Lagi mo ba nalilimutang naka charge ang iyong mobile phone. Sa tutorial na ito ay ituturo ko kung paano magkaroon ng alarm pag na full charge na ang iyong cellphone.
1. Paano magkaroon ng alarm pag na full charge ang iyong cellphone.
2. Pumunta lang kayo sa Play Store ng iyong android phone.
3. Tapos e search nyo lang ang Full Battery Alarm sa Search bar ng Play Store.
4. Install nyo lang ang App
5. Kapag install na ang app ay Open nyo na eto
6. Pagka Open ng App sa Homepage ay tap nyo lang yung bell icon na nasa babang bahagi ng screen.
7. Makikita nyo dyan yung Full Battery Alarm at sa kanan ay switch ON nyo lang yung button, tapos sa baba nito ay makikita nyo ang adjustment, e adjust nyo lang kung anong percent ng battery na nais nyo mag ring ang alarm.
8. Kung nais mo naman e set ang alarm ay pumunta lang kayo sa kanang babang bahagi ng screen, tapos e tap nyo yung gear icon.
9. Dyan ay pwedi nyo na e set ang ringtone, maraming pagpipilian sa baba scoll down nyo lang.
10. Kapag na e set nyo na ay pwedi nyo nang e charge ang cellphone at antayin nyo lang na tumunog kapag na hit na ang naka set nyo na battery percentage.
11. Kapag na hit na ang battery percentage na naka set ay tutunog na ang alarm. Para ma e off ang alarm ay Tap nyo lang yung Turn OFF Alarm Button sa baba.
Napakalaking tulong nitong Full Battery Charge Alarm na eto sa mga makakalimutin, at kung lagi nyo nalilimutang naka charge ang iyong cellphone, kaya naman ay may video tutorial din akong ginawa para sa inyo, na makikita at mapapanood nyo sa aking YouTube Channel. Marami din akung mga Playlist para sa ibat ibang cellphone na may ibat-ibang tutorial, kaya naman marami kayong matutunang mga tips and tricks.











Walang komento:
Mag-post ng isang Komento