Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Samsung. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Samsung. Ipakita ang lahat ng mga post

Lunes, Marso 9, 2026

Itago ang Mobile Hotspot sa Samsung Mobile Phone

Hidden Mobile Hotspot sa Samsung Mobile Phone

1. Paano itago ang Mobile Hotspot ng Samsung na Mobile Phone.


2. Pumunta lang kayo sa Settings.


3. Sa Settings naman punta kayo ng Connections.


4. Sa Connections punta kayo ng Mobile Hotspot and Tethering.


5. Sa Mobile Hotspot and Tethering naman ay makikita nyo ang Mobile Hotspot, sa kanan may switch button, Switch On nyo lang, Tapos Tap nyo ang Mobile Hotspot.


6. Sa Mobile Hotspot ay Tap nyo ang Configure.


7. Sa Configure Mobile Hotspot ay Tap nyo ang Arrow down sa may Advanced.


8. sa Advanced naman ay makikita nyo ang Hidden Network, Switch ON nyo lang ang button sa kanang bahagi.


9. Tapos Tap nyo na ang switch button sa baba.


Nais mo ba na itago ang iyong Mobile Hotspot sa iba, gumawa rin ako ng video tungkol dyan. At kung nais nyo ng iba pang tutorials about Samsung Galaxy na Mobile Phone ay bisitahin lang ang aking YouTube Channel. Sa channel ko ay marami kayong makikita at mapapanood na mga tips and tricks about sa Samsung na Mobile Phone. Hindi lang tungkol sa Samsung marami pang iba kaya naman bisitahin nyo na ang channel ko.




Biyernes, Marso 6, 2026

Paano e Turn OFF ang TalkBack sa Samsung na Mobile Phone

Paano e Turn OFF ang TalkBack sa Samsung Galaxy na Mobile Phone

1. Turn OFF Talkback, Paano nga ba?


2. Punta kayo ng Settings, Tap ng isa, Tapos tap uli ng dalawa para mag Open.


3. Sa Settings punta kayo ng Accessibility, gamit ang dalawang daliri para ma scroll, Tapos Tap ng isa, Tapos tap uli ng dalawa para mag Open.


4. Sa Accessibility makikita nyo ang Talkback, Tap ng isa, Tapos tap uli ng dalawa para mag Open.


5. Sa Talkback, switch off nyo yung button sa kanan. Tap ng isa, Tapos tap uli ng dalawa para mag Open.


6. Sa baba may mag pa pop up, select nyo ang Turn Off button, Tap ng isa, Tapos tap uli ng dalawa para mag Open.


Ang Talkback ay napaka halaga para sa mga bulag, dahil dito ay nakaka gamit sila ng mobile phone. Kaya halos lahat ng cellphone ay mayroon nito. May mga tutorial din ako sa ibang cellphone na mapapanoood nyo sa aking YouTube Channel. May mga tips and tricks ako na ginawa tungkol sa Samsung na  mobile phone na matatagpuan sa aking Channel. Marami kayong matututunan.





Martes, Marso 3, 2026

Paano mag Screenshot sa Samsung na Mobile Phone

Madaling paraan para maka Screenshot sa Samsung na Mobile Phone

1. Para maka Screenshot sa Samsung na mobile phone ay Press and Release nyo ng sabay ang Volume Down at Power Button.


2. At mag screenshot na ang iyong Mobile Phone.


3. Para naman makita ang eni screenshot nyo ay punta lang kayo ng My Files na application.


4. Punta kayo ng images, Tap nyo lang.


5. Makikita nyo na ang images na eni screenshot nyo, Tap nyo lang para mag open ang image.


Ganun lang kadaling mag screenshot sa inyong Samsung na mobile phone. Kung nais nyo pa ng mga ganyang tutorials ay marami ako sa aking YouTube Channel, tiyak na marami kayong matututunang mga tips and tricks about Samsung Galaxy mobile phone. May playlist din akong ginawa tungkol dyan, para sama-sama o sunod sunod nyo mapapanood na makikita rin sa aking Channel.



Miyerkules, Pebrero 18, 2026

Umiilaw ang Flashlight ng iyong Samsung Mobile Phone kapag naka Received ito ng Notification

Nag pa Flash ang iyong Samsung Mobile Phone kapag naka Received ito ng Notification

1. Kapag may natanggap kayo na Notification ay mag pa Flash ang Camera ng iyong Samsung na Mobile phone


2. Gawing nyo lang ay pumunta sa Settings


3. Sa Settings sa baba ay makikita nyo ang Accessibility "Tap nyo lang"


4. Sa accessibility naman ay punta kayo ng Advanced Settings "Tap nyo lang"


5. Sa Advanced Settings sa may Notification section ay makikita nyo ang Flash Notification "Tap nyo lang"


6. Makikita nyo ang Camera Flash Notification. Turn ON nyo lang yung button sa kanan bahagi. At kapag may natanggap kayo na notification ay mag pa Flash na ang iyong mobile phone.


6. Pwedi nyo rin e Tap yung Preview Button para makita nyo yung pag Flash ng Camera


Magagamit nyo yang settings naya kapag naka silent mode ang iyong cellphone at nasa tahimik kang lugar, Sa pamamagitan niyan ay malalaman mo kung may notification ka sa iyong cellphone sa pamamagitan ng pag Flash ng Camera nito. At kung nasa maingay ka naman na lugar at dimo marinig ang sound ng notification ay makikita mo naman na may pumasok na notification sa pamamagitan ng pag Flash ng Camera. Hindi lamang yan ang tutorial na ginawa ko, marami pang iba na pwedi mo makita at mapanood sa aking YouTube Channel. Naka save din ito sa Playlist na ginawa ko about sa Samsung Mobile phone tips and tricks. Marami kayong matutunan hindi lang Samsung mobile phone pati ibang model ng cellphone.







Biyernes, Pebrero 6, 2026

Paano makikita ang nakatagong Apps sa Samsung mobile phone | Hidden Apps Samsung

 Mga nakatagong Apps sa ating Samsung na Mobile Phone

Paano nga ba ito makikita. Sa tutorial na ito ay malalaman nyo kung paano step by step.

1. Press and hold nyo ang screen ng inyong mobile phone.


2. Makikita nyo dyan ang Settings sa may kanang babang bahagi tap nyo lang


3. Sa Home Screen Settings sa baba hanapin nyo dyan ang Hide Apps Tap nyo lang yan.


4. At makikita nyo na ang mga nakatagong mga Apps sa ating Samsung na mobile phone. Tap nyo lang ang negative (-) sign sa kanang bahagi ng app para ito ay ma unhide. Tapos tap nyo na ang done button sa baba para ma save.


At kung nais nyo na mapanood ang paraang ito ay e share ko rin ang ginawa kung video tutorial na mapapanood nyo dyan sa baba.


At kung nagustuhan nyo ang tutorial na ito ay marami pa ako ganyang tutorial tungkol sa Samsung na mobile phone. Bisitahin nyo lang ang aking YouTube Channel. Marami akong ginawang tutorial about sa Samsung mobile phone, more on settings ng Samsung yun kaya marami kayong mapapanood mga tips and tricks.



Richard N. Cabile

All about myself. Everything I know I will teach you.

Read more..

My Motto in Life: Time is Gold.