Paano e Zoom ang Text sa Chrome para mabasa nyo ng malinaw
1. Lagi kabang gumagamit ng Google Chrome Browser at naliliitan ka sa Fonts nito gawan natin yan ng paraan.
2. Ang gawin nyo lang ay pumunta sa Chrome Application ng iyong cellphone
3. At kapag andito na kayo sa Homepage ng Chrome ay Tap nyo yung 3 Dots na nasa kanang taas na bahagi.
4. Sa pop up ay pumunta lang kayo sa Settings na makikita rito
5. At sa Settings ay pumunta lang kayo sa Accessibility Tap nyo lang
6. Dito makikita nyo na ang Adjustment, Pwedi nyo na e adjust pakanan para lumaki ang text o font nito. Makikita nyo sa preview kung gaano kalaki.
7. Kung nais nyo naman ng maliit na text o fonts ay e adjust nyo lang pakaliwa para lumiit na makikita nyo sa preview sa kung gaano kaliit.
Malaking tulong ito para sa may malabo na ang mga mata para mabasa nila ng tama. Specially sa mga may edad na na medyo nanlalabo na ang mga mata.
May video tutorial din akong ginawa na makikita at mapapanood sa aking YouTube Channel. Gumagawa ako ng mga tutorials para sa ibat-ibang mobile phone ma android o IOS, marami kayong matututunan sa aking channel about Technology.







Walang komento:
Mag-post ng isang Komento