Buko - Paano magniyog | Buhay Probinsya

 Buko - Ang buko o coconut tree na tinatawag din na coconut palm. ay isang uri ng niyog o makapuno.

Ito ay tinatawag din na buko, ito yung bunga na medyo bata pa o ang tawag samin ay balubi pa. Na
may malambot na laman, masarap inumin ang sabaw nito. Ang malambot na laman naman nito ay pweding
gaming buko salad, o kahit anong pweding isangkap ang malambot na laman nito.

Kumuha kami ng Buko:

Nanguha kami ng Buko sa Gab Farm:





   Ang niyog naman nito o yung magulang na bunga ng niyog ay ginagawang panggata sa mga pagkain, gaya ng ginataang
nangka, ginataang gulay o kahit anong pweding gataan. Ginagawa rin itong mantika, kalimitan ito samin a
kapag magulang na bunga ng niyog ay kinukopra, para maging mantika. Marami ding pweding gawin sa
niyog, yung iba ginagawang sabon, shampoo at marami pang iba. Bukod sa laman ng niyog, ang bao at bunot nito
ay marami ding pinaggagamitan, kaya naman walang nasasayang sa puno ng niyog. Mula sa ugat nito hanggan
sa mga dahon at bunga nito ay maraming pweding gawin.Walang sayang...

May video nga pala ako kung paano mag niyog o yung kumuha ng niyog sa puno nito..



Napaka hirap na trabaho ang pagkuha ng niyog, at maraming proseso. Mula sa pagkuha sa puno nito, simutin, talupan, at kargahin.
Isa ang pagniniyog ang trabaho sa probinsya.

No comments:

Post a Comment