CABILE CLAN REUNION at Tropicale Paradise Event Center sa Pagbilao Probinsya ng Quezon

Isa sa mahalaga sa buhay ng tao ay ang pamilya. Ang pamilya ang sandigan natin sa mga panahong tayo ay pangangailangan. Pamilya din ang laging andyan kapag may problema tayo. Kaya naman huwag nating gawing kalaban ang ating pamilya. Dahil kadugo o dugo at laman ang nananalaytay sa bawat isa sa atin.

So ayon guy's welcome to Cabile Clan Reunuin, partido ng aking tatay at ang reunion na ito ay isa sa memorable moment ng bawat pamilya namin. Ginanap ito sa Pagbilao Quezon. Sa Tropicale Paradise Event Center na nasasakupan ng bayan ng Pagbilao. Halos diko nga kabisado sa dami ng naging saling lahi ng aming pamilya. Ibat-ibang lugar ang tinitirhan, pero halos lahat ay dito parin sa probinsya ng Quezon. Mayroon din naman iilang pamilya na nakatira din sa malalayong lugar, gaya ng mga taga Manila. Kaya naman tuwing may okasyon lang nagkikitakita. Mayroon pa nga sa partido namin ang kasali sa NBA. Kaya naman kanya kanyang kuha ng picture ang bawat isa. Sa mga makakabasa nga pala ng aking mga Blog at makakapanood ng aking mga Vlog. Abanga nyo pa ang mga susunod na kabanata. hehe..

Masaya ang bawat pamilya ng Cabile Clan Reunion. Maraming palaro ang ginanap, kaya naman napakarami rin ng regalo ang pinamigay.  Hindi lang sa regalo o mga palaro sumaya ang bawat pamilya, dahil narin sa nagkitakita, nagkumustahan, at higit sa lahat nagkakakilakilala. Bakit ko nga ba naisama ang nagkakakilakilala, dahil narin siguro isa ito sa dahilan kung bakit ginaganap ang reunion. Halimbawa napadpad ka sa isang lugar at hindi mo pala alam na kamag anak mo na pala ang kausap mo o kasamahan mo halimbawa sa trabaho. Mamaya nililigawan muna pala tapos malalaman nyo mag pinsan pala kayo. Maynangyayari kasi na ganun, kaya maganda ang oaminsan minsan ay nagsasalusalo ang pamilya o tinatawag na Reunion.


No comments:

Post a Comment