Mayohan sa Tayabas

 Mayohan sa Tayabas

Ang Mayohan sa Tayabas ay ginaganap tuwing Mayo ng bawat taon. Maraming activities na ginaganap rito. Gaya ng Karera ng Kalabaw, Boraduran, Hagisan ng Suman, Yemayohan at marami pang iba. 

Mayohan sa Tayabas - Ito ay Festival na kung saan ay ipinagdiriwang ang kapistahan ni San Isidro Labrador, bilang pasasalamat sa masaganang ani ng pagsasaka. 

KARERA NG KALABAW

Ang karera ng kalabaw na ginaganap tuwing Mayohan sa Tayabas ay isinasagawa sa Brgy, Masin na kung saan ay may malawak ng lugar o palayan na walang tanim, kaya naman pwedi dito na mag karera. Ang lahat ay pweding sumali kung ikaw ay may kalabaw at ikaw ay Tayabasin. Isa pa sa inaabangan ng mga manonood ng karera ng kalabaw ay ang magagandang desinyo ng kani-kanilang Kalabaw at may premyo din eto, bukod sa pananalunan sa karera. 

Karera ng Kalabaw 2025

Karera ng Kalabaw 2023


YEMAYOHAN
Ang YEMAYOHAN ay ginaganap tuwing Mayo ng Taon sa Tayabas. Isa ito sa inaabangan ng mga Tayabasin. Ito ay paraan ng pasasalamat ng may ari ng Rodillas Yema Cake sa pagtangkilik sa kanilang produkto, na kung saan ay nagpapakain sila ng YEMA Cake sa mga Tayabasin. Inihahayin nila ito pahaba sa gitna ng daan sa pinakang bayan ng Tayabas.

Marami pa ang activities na ginaganap tuwing Mayohan sa Tayabas kaya abangan ang mga bago sa aking YouTube Channel: Richard Cabile Vlog



No comments:

Post a Comment