PAHIYAS FESTIVAL - Ang Pahiyas Festival ng Lucban Quezon ay ginaganap tuwing Mayo ng Taon na kung saan ay pinag diriwang ang pasasalamat sa masaganang ani at pasasalamat sa patron ni San Isidro Labrador.
Isa sa dinarayong Lugar sa probinsya ng Quezon at ang Lucban, Dahil sa kakaiba at napakakulay nitong mga palamuti tuwing sasapit ang Mayo ng Taon at ito na nga ay ang tinatawag na Pahiyas Festival. Di lang mga nag gagandahang palamiti ang dinarayo rito, kundi dinarayo din rito ang tinatawag na Lucban Pancit Habhab, Kakaibang pagkain ito dahil ito ay nakalagay sa dahon ng saging na kung saan ay hahabhabin mo ito, masarap ito lalo na kapag nilagyan mo ng suka na pwedi matamis, maanghang o magkalahok o mix ika nga. At isa pa sa specialty nila rito na pagkain ay ang longganisang Lucban.
May mga Vlog ako ng Lucban na talaga namang makikita nyo ang ganda ng Pahiyas Festival nila, Nilibot o inikot ko ang lugar para sa inyo, makikita nyo ang naglalakihan, naggagandahan, at napakakulay na palamuti ng Pahiyas Festival. Bawat bahagi ng mga Dikorasyon ay talaganamang pinaghirapan, ito ay ang mga Arch na makikita nyo tuwing Mayo at mga dikorasyon sa mga piling bahay na halos nasa 400 plus na kalahok na bahay ang nagpapagarbuhan ng design. Ito ay matatagpuan sa misong bayan ng Lucban.
Isa rin sa klase ng pagkain na talaga namang rito mo lang matatagpuan sa bayan ng lucban ito ay ang kiping, makikita at mabibili mo ito sa bayan ng lucban. Isa rin ito sa mga ginagamit ng mga taga rito na pang dekorasyon bukod sa mga prutas at gulay. Kaya naman ano pa ang hinihintay nyo aba ay tara na sa bayan ng lucban at tikman ang mga pagkain dito mo matatagpuan.
No comments:
Post a Comment