"HAPPY FATHER'S DAY SA MGA TATAY" | Simple Celebration sa Tangisan | Richard Cabile Vlog

 "HAPPY FATHER'S DAY SA MGA TATAY"

     Ang Father's Day ay isang Holiday na pinagdiriwang sa Pilipinas. Sinasabi nga itong Araw ng mga Tatay, kalimitan itong ginaganap tuwing ikatlong linggo ng buwan ng June. Kaya naman kapag sumapit na ang araw ng mga Tatay, ay siguradong ang mababasa, mapapanood nyo sa mga social media ay puro happy Father's Day, kanya kanyang bati sa ibat ibang paraan, gaya nalang ng sa simpleng mensahe sa Facebook or mga GIF's, animation na tungkol sa pagbati sa mga Tatay na Happy Father's Day. Sa YouTube naman yung iba gumagawa ng content na ang topic ay para sa mga Tatay. Ibang iba na talaga ang panahon ngayon kisa noon, dati ay mga card lang dinadaan ang pagpapaabot ng mensahe sa mga ganitong okasyon. yung iba pa nga sariling sulat kamay ang mababasa sa mensahe sa sulat na nakalagay sa sobre, ngayon instant na mamimili kalang sa social media ng mga mesahe na nais mo iparating tapos click post or send. iba talaga ang nagagawa ng technolohiya ngayon. 

     Kaya naman nag nagdiwang kami ng araw ng mga Tatay ay dini samin sa Tangisan, bumili ako ng maliit na cake na may mensahe na Happy Father's Day at may kasama pang inumin, yan ang ibinigay ko kay Tatay. Mapapanood nyo sa video na nasa baba ang aming simpleng handaan sa Tangisan, kunting salo salo para sa mga Tatay. Malimit sa bahay kubo namin kimi nag diriwang, kapag may mga okasyon. Maging birhday reunion ng aming pamilya dito rin ginaganap.


Sa mga nais panoorin ang aking iba pang mga video vlog ay bisitahin lang ang aking YouTube Channel Richard Cabile Vlog

No comments:

Post a Comment