Taytay Falls - Ito ay isang falls na matatagtpuan sa Laguna, Philippines. Na nasa paanan ng MT. Banahaw, dito ay napakalamig ng tubig at may malinis na kapaligiran. Dahil pinapangalagaan ito ng mga taga roon. Kapag pumunta ka rito ay talaga namang mamamangha ka sa gubat doon. Dahil mula sa parking area na kung saan ay nakaparada ang aming sasakyan, mula roon ay maglalakad ka ng malayo at ang dadaanan nyo ay gubat na gubat, pero huwag kayong mag alala dahil safe naman ang daanan papunta sa Falls. Simentado ang dadaanan mo at may harang na bakod naman sa gilid nito, dahil ang daan ay sa gilid ng burol ang kabila ay bangin at ang isa pang kabila naman ay mataas na burol, May nakapag kwento sakin na yung dinadaanan daw namin ay pinakang daanan ng irrigation o yung patubig na nag susuplay sa mga taniman ng taga roon. Kaya pala nung nadaan kami ay parang may lagaslas ng tubig kang maririnig sa daan at paghakbang mo ay may mararamdaman kang paggalaw ng iyong tinapakan, dahil ito ay mga nakasalansan na siminto na ang ilalim ay may nadaang tubig. Napakalininaw at linis ng tubig na nanggagaling sa falls. Dahil galing ito sa MT. Banahaw na madalang pa ang tao na nakakarating siguradong ang tubig rito ay malinis. Sabi ng iba pwedi raw itong inumin, talaga namang kapag makikita mo ng personal ang tubig sa falls ay kitang kita ang ilalim na para bang ang babaw tingnan.
Ang daming tao ang napunta halos araw araw, kaya naman sa lugar nakung saan matatagpuan ang Taytay Falls ay may mga rentahan na bahay na pwede mong tulugan, o hotel na pwede kang mag stay. Sabi daw mas maganda kapag umaga rito dahil halos wala pang tao ang nasa falls, at maganda rin doon ang mag overnite, yun nga lang di sure kung sa panahon ngayon ay pweding mag camping or mag overnite doon sa mismong talon. Nong time na andoon kami ay napakarami ng tent ako na nakita sa paanan ng talon. Yung iba siguro ay maghapon na doon. Pumunta kami roon ay hapon na makakain ng tanghalian, tapos nagmula pa kami sa bayan ng Lucban, kaya halos alsdos na ng hapon kami nakarating.
No comments:
Post a Comment