GINATAANG UBOD NG SAGING

      Saging - Isang uri ng halaman na matatagpuan dini samin sa Pilipinas. Yung iba ay ang tawag ay saba. kalimitang matatagpuan ang saging sa tropikal na Timog Silangang Asya, gaya dini samin sa Pilipinas. May mga puno rin ng saging na matatagpuan sa gubat, ito yung kusang tubo o yung hindi itinanim ng tao. Nakakin din ang bunga nito at ang puso nito, kagaya ng ordinaryong saging. At isa pa pwede rin itong ubudin, na mapapanood nyo sa aking video na ilalagay sa ibaba. Ang luto na ginawa namin ay kung tawagin ay ginataang ubod ng saging. Gagamit ng niyog na magulang na o yung pwede na pang gata.

     Maraming luto ang pwede gawin sa saging, alin man ng bunga nito o katawan, gaya ng sa Vlog ko kung paano magluto ng ginataang ubod ng saging. Sa bunga nman nito ay marami ding pweding gawin gaya nalang ng pritong saging, barbeque na saging, pwede ring nilabong saging lang at marami pang iba. Sa puso naman ng saging ay marami din itong pwedidng gawin, pwede rin sya ginataang puso ng saging, at panglahok sa ibat ibang pagkain.

     Samahan nyo kami guy's pangunguha ng ubod ng saging sa gubat, dini samin kung tawagin ay Tangisan. Kasama ko ang aking Tatay pagkuha sa gubat, si tatay rin ang magtuturo sa inyo kung paano magluto ng ginataang ubod ng saging. Mapapanood nyo rin sa aking video kung paano kunin ang ubod ng saging at kung paano ito lutuin. Ganari sa probinsya kapag walang kayo ma e ulam ay pwede kayo kumuha ng pagkain sa gubat ng libre, yan ang wala kapag nakatira ka sa syudad, gaya ng sa Manila. 

Malalaman nyo kung paano magluto Step by step: 


      Ganito po ang buhay dini sa amin sa probinsya. Kaya naman kung gusto nyo pa ng mga ganitong video ay bumisita lang kayo saking YouTube channel " Richard Cabile Vlog ". Mapapanood nyo ang aking buhay probinsya Vlog. Taga dini nga pala ako sa Quezon Province sa bayan ng Tayabas, Taga Palale nga pala ako sa nasabing bayan. Mapapanood nyo rin ang iba ko pang mga Vlog.

      Para mapanood ang aking buhay probinsya ay bisitahin lang ang aking Playlist: Richard Cabile Vlog Buhay Probinsya 

No comments:

Post a Comment